Todo-puri si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinakitang pag-uugali ng kalmadong traffic enforcer sa Maynila na sinampal at pinagsasapak ng babae na sinita sa traffic violation pero nadiskubreng isa palang drug courier.

Ayon sa Pangulo, nakaramdam siya ng matinding paghanga sa pagiging kalmado ng traffic enforcer sa kabila ng pananakit ng babae.

“Kita mo naman how a government personnel would handle the situation, nagpabugbog lang siya kasi babae, not knowing na courier ‘yan.  Kung nalaman nila na may shabu dyan, they were couriers, ay hindi gano’n ang reaksyon,” ayon sa Pangulo.

“Talagang huhulihin ‘yan at kung baliin ‘yong kamay, baliin mo. Eh, iniipit niya ‘yong kamay no’ng (traffic enforcer).  Tama ‘yon, gusto kong makilala ‘yong ano, you know, it was a grace under pressure,” dagdag na pahayag nito.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa kalaunan, ang mga opisyal ng Manila Police District ay nagsabi mismo na ang babae ay isang drug courier na konektado sa tatlong indibidwal na naaresto sa magkakahiwalay na okasyon.

Sinabi pa ni Moreno na ang bag ng babae ay naglalaman ng ilang illegal substances nang inspeksyunin ng arresting officers.

Pero sinabi ng Pangulo na kung alam lang ng mga traffic operatives noong oras na iyon na ang babae ay isang drug courier, malamang na kaagad itong hihilahin palabas ng sasakyan.

Beth Camia