QUIRINO--- Upang maiwasan ang peligro at pinsala dulot nang malakas na ulan at pagbaha, Isinagawa ng Department of Public Works and Highways – Quirino District Engineering Office (QDEO) ang P82.972 milyong river control project sa San Pedro upstream.
Ito ay isa sa mga pangunahing tributarie ng Cagayan River.
Ayon kay District Engineer Lorna B. Asuten, kasama sa konstruksyon ang river wall na may sukat na 418-meter length by 9-meter height gabion (zinc coated gabion wire) na mayroong reinforced concrete hexapods para suportahan ang istraktura mula sa mga vortices.
Aniya’y mahalagang layunin din ng proyekto ay ang maiwasan ang mga panganib at pinsala dulot ng malakas na ulan at pagbaha.
“Aside from protecting the on-going construction of San Pedro Bridge (Abutment “B”), this 418-meter flood control structures will reduce erosion which could hold at least 10 of the 20 hectares agricultural land of Barangay San Pedro, Maddela, Quirino from inundation” aniya.
Nauna nang sinabi ni Reynald Ramos, Kapitan ng Bgy. San Pedro, na walong barangay at dalawang sityo ang pinaka apektado ng pagbaha: Villa Agullana, Villa Ylanan, San Martin, San Dionisio I, Cabua-an, Ysmael, Villa Gracia, San Pedro, Sitio Dialanes at Sitio Sangaidi.
Nakasimpayta siya sa mga residente mula sa barangay na mabababa ang lugar na kadalasang nararanasan ang pagkawala ng mapagkukunan at pagkasira ng kanilang mga pananim.
Dagdag ni DE Asuten na determinado ang distrito na matapos ang proyekto nang mas maaga sa iskedyul nitong third quarter at nakatakdang matapos ang programa sa Enero 2022. Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2021.
“We wish to complement the DENR-Quirino in its post-recovery initiatives called Build Back Better (BBB) in rehabilitating the Cagayan river after the onslaught of several typhoons” ayon kay DE Asuten
Liezle Basa Inigo