SOURCE: PAGASA

CEBU CITY ---Daan-daang pasahero ang stranded matapos kanselahin ang lahat ng biyahe ng mga bangka nitong Martes dahil sa Bagyong Dante.

Pansamantalang sinuspinde ng Coast Guard Station Central Cebu ang paglalayag dakong 11:00 ng umaga “to avert maritime accidents.”

Ayon sa Cebu Port Authority (CPA), 109 pasahero ang na-stranded sa mga pantalan ng Daanbantayan, San Remigio, at Danao City sa northern Cebu.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Samantala, ayon sa datos ng Coast Guard Station-Cebu ay nagpapakita na hindi bababa sa 200 na pasahero ang naapektuhan ng pagkansela ng mga byahe.

Isinailalim ang Cebu province sa Code Alert Level Blue nang maging signal no. 1 ang 36 na lugar sa central at north Cebu.

Nag-abiso ang Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa emergency responders na mahigpit na i-monitor ang seawaters sa lugar kung mayroon pa ring nangingisda.

“The Coast Guard has already ordered the suspension of all types of voyages for today. We are urging our local disaster and rescue units to urge fishermen not to venture out to the sea,” ayon kay Neil Sanchez, PDRRMO chief.

Nasa signal no.1 ang mga sumusunod na lugar: Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Asturias, Balamban, Compostela, Liloan, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Consolacion, Cordova, Toledo City, City of Talisay, Minglanilla, City of Naga, Pinamungahan, San Fernando, Aloguinsan, City of Carcar) kasama rin ang Bantayan at Camotes Islands.

“We’re aiming for zero casualties, and we’re hoping we can achieve it,” aniya

Calvin D. Cordova