Naglabas ng babala ang Department of Environment and Natural Resources Davao hinggil sa mga trekkers na gumagawa ng “indecent behavior” sa Mt.Apo.

Ito’y matapos makatanggap ang ahensiya ng ilang video clips mula sa isang concerned citizen kung saan makikita ang isang babaeng trekker na umiinom ng alak, at nag-iingay sa tuktok ng Mt. Apo.

Paalala ng DENR Davao, “Mt. Apo is not just about its ecological and wilderness value. It is also remarkable for its cultural significance and is highly respected as it is believed to be the burial ground of Apo Sandawa, the indigenous community’s Great Forefather.”

Nakiusap din ang ahensiya na irespeto ang kabanalan ng Mt.Apo at sundin ang mga panuntunan sa pag-akyat ng bundok.

Tourism

ALAMIN: Mga puwedeng pasyalan sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

Sa trekking policies ng Protected Area Management Board (PAMB) ipinagbabawal ang

“nudity” at hindi angkop na gawain sa bundok. Pinaaalalahan din ang mga trekkers na huwag mag-ingay dahil nakagagambala rin ito sa mga hayop na naninirahan sa bundok.

“We are also calling the attention of the porters and guides to please do not tolerate this act. Violators of the policies set by the PAMB will be held accountable and will be black listed or be banned from trekking Mt. Apo,” ayon pa sa pahayag ng DENR Davao sa kanilang Facebook page.

Myca Fernandez