May bagong segment na kinagigiliwan ng mga Showtimers, ang"Reina ng Tahanan," isang mala-beauty pageant para sa mga momshies na may edad 18 hanggang 59 years old. Trending ang pilot episode ng naturang segmentna Reina-Nay of the Day ng “It's Showtime” nitong nakaraang Sabado, May 29.

Nahahati sa tatlong parte ang pasiklaban ng tatlong nanay, una ay magpapakilala ang bawa't contestantat dito na uumpisahan ni Vice Ganda ang mga nakakatuwang tanong. Susundan ito ng talent portion at pagalingan ng talent. Ang huling challengeay ang sinasabing 'mapusong usapan,' kung saa'y may sorpresang magtatanong na espesyal sa kanilang buhay.

Sa una'y aliw ang mga manonood sa tatlo na nagpakita ng kanilang talent sa pagsasayaw. Zumba dancing ang ipinamalas ng unang kalahok na siHelen Avas,53, na nakuha pang ipaalala kay hurado Amy na kapanahunan pa nila Vilma Santos at Alma Moreno ang pagzu-Zumba.

Umawit naman ang second contestant na si Myra Antonio ng Caloocanng kantang "Ang Pipit",

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

"'Yan ang madalas kantahin ng mga nanay," komento ni Vice sa awit ni Myra.

At heto na, sa 'mapusong usapan,' naantig ang mga puso ng madlang pipol lalo na ang mga hurado sa nasabing segment na sina Ruffa G., Janice de Belen at Amy Perez sa kuwento ng isang contestant from Tondo na si Kyle Elpedes na sumagot sa tanong sa pagiging isang nanay.Kanyang ibinahagi ang buhay na sa edad na 16, siya ay nagkaroon na ng anakat sa edad na 23 ay lumubo sa apat ang kanyang mga anak. Sa kanyang salaysay, "Mahirap po.Wala po along ideya kung paano palalakihin 'yung mga anak ko pero tinutulungan po ako ng family ko. Kahit maaga akong nagkaanak, hindi ko po niri-regret na nagkaroon ako ng mga anak sa maagang panahon pero hindi ko sinasabing tama na magkaroon kayo ng anak at the early stage ng buhay ninyo,” makahulugang mensahe ni Elpedes..

Sahuli, itinanghal na Reina-Nay of the Day ang unang contestant na si Avas na nakakuha ng perfect 10 score mula kina T'yang Amy, Ruffa at Janice.

Ador V. Saluta