Dalawang buwan bago ang pagbubukas ng summer Olympics na gaganapin sa Tokyo sa Hulyo 21, naglabas ang Asahi Shimbun, isa sa mga media sponsors ng editoryal na may titulong “Prime Minister Suga, please call off the Olympics.”

Tatlong rason ang nabanggit para sa panawagang ikansela ang Olympics. Una, “People’s lives and health come first.” Ikalawa, ang pagpapatuloy ng laro ay katumbas ng “pagsugal” kasama ang posibleng negatibong kahihinatnan nito kung ang planong health at safety measures ay hindi magiging sapat. Ikatlo, ang pagpapatuloy ng laro ay lalabag sa diwa ng Olympic.

Sa inaasahang pagpasok ng 90,000 atleta at mga Olympic personnel sa bansa sa gitna nang nagpapatuloy na paglaganap ng mga bagong variants ng novel coronavirus, may mga pangamba na maaaring makompromiso ang kalusugan ng mga tao sa Japan kung matutuloy ang laro. Lalo pa’t maliit na bilang pa lamang ng populasyon sa Japan ang nabakunahan sa ngayon, malaki ang pangamba na maging ‘super-spreader event’ ang Olympics –kahit pa nag-anunsyo na ng restriksyon para sa mga manonood sa iba’t ibang laro.

Sa mga pangambang ito, natanong ng Asahi Shimbun editorial: “What meaning is there in holding the Olympics when people's activities are being restricted and their daily lives have become difficult?”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batid naman ng pinuno ng Olympic organizing committee na “there (is) a considerable number of Japanese people who are concerned.” Dalawang prominenteng business leaders ang nagpahayag na kung ikokonsidera ang posibleng panganib, “we might have a lot more to lose” habang tinawag naman ng isa ang Olympic na “a suicide mission.”

Nagsagawa ng survey ang isang New York based global communications consultancy firm na Kekst CNC sa 1,000 respondents sa anim na bansa para masuri ang mga polisiya kaugnay ng COVID-19 pandemic, kasama na rin ang pagsasagawa ng Olympics games sa Tokyo. Sa kaning ulat, 56 porsiyento ang tutol sa Japan; sa Britain, 55 porsiyento; sa Germany, 52 porsiyento; sa Sweden, 46 na porsiyento; at sa France, 37 porsiyento. Hati naman ang mga respondents sa United States sa 33 na porsiyento.

Binigyang-diin ng White House press secretary na batid ng US ang“very specific entry and movement rules and procedures which the organizers have laid out to ensure the protection of everyone involved.”

Noong Disyembre 2020, nasa 68 major Japanese firms ang nangako ng suportang pinansyal sa olympics matapos itong ipagpaliban ngayong summer dahil sa pandemya. Sa pagtataya ng bagong pamahalaan, nasa $16.7 bilyon ang magagastos ng laro, na $3.3 bilyon ang galing sa pribadong sektor.

Samantala, determinado naman ang Philippine Olympic Committee na sumali. Ang Lungsod ng Maynila ay nangako nababakunahanang 730 delagado ng bansa.

Humahakot ng manonood ang pagdaraos ng Olympics kaya naman reasonable lamang na ipalagay na mayorya ng opinyon ng publiko ay pabor sa pagpapatuloy ng laro. Ngunit lumikha rin ng malakas na diwa ng pag-unawa at pakikiramay ang pandemya—kaya naman hindi mahirap makita ng mundo ang pangamba sa kalusugan ng mga tao sa Japan.