QUEZON - Dalawa ang binawian ng buhay at pito pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang multi-purpose vehicle sa isang truck sa Barangay Bagong Buhay, Gumaca ng naturang lalawigan, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Gumaca Police, dead on arrival sa Gumaca District Hospital atRAKKK Hospital si RomelPeriabras at isang hindi pa nakikilalang lalaki sanhi ng matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan na sina Rochelle Periabras, Rolando Florano, 61, drayber at taga-PH10A, PKG1, L7, B17, Bagong Silang, Caloocan City; Rodolfo Florano, 60; Adrian Matangod, 25; Danilo Dominic, 60 at taga-Iriga City Camarines Sur at isang lalaki at babae na kinikilala pa ng pulisya.

Patungo sana sa direksyon ng Bicol ang MPV na sinasakyan ng mga ito nang biglang sumalpok sa truck na minamaneho ni Michael Angelo Lazaro, 28, at taga-Sitio Sulok, Ugong, Valenzuela City, sa Maharlika Highway Crossing,dakong 1:40 ng madaling araw.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban kay Lazaro.

Danny Estacio