BAGGAO, Cagayan - Isasailalim sa 10 na araw na lockdown ang munisipyo ng nasabing lugar, gayundin ang dalawang sub-office nito, simula Hunyo 1 matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 27 na empleyado nito, kamakailan.

Magtatagal ang lockdown hanggang Hunyo 10, ayon saBaggao Information Office.

Ang mga nasabing nahawaan ng COVID-19 ay kabilang lamang sa mga empleyado ni Mayor Joan Dunuan na pinagpapaliwanagni Cagayan Governor Manuel Mamba matapos mag-viral ang litrato at video nito kung saan ito nakikitang sumasayaw nang walang facemasksa dinaluhang pagtitipon, kamakailan.

Liezle Basa Iñigo

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos