Wala nang isang taon bago ang susunod na national elections na idaraos sa Mayo 9, 2022, ano kaya ang kalagayan sa paghahanda ng Commission on Elections?
Apat na buwan na lamang ang natitira bago matapos ang voter registration period sa September 30. Nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa mga mall management companies upang makapagsagawa ng voter registration sa loob ng mga mall tuwing weekends—isang mas madaling set-up na magbibigay ng pagkakataon sa mas maraming Pilipino na masiguro ang kanilang paglahok sa 2022 national elections.
Hanggang nitong nakaraang linggo, nakatanggap na ang Comelec nang higit tatlong milyong aplikasyon para savoter registration. Sa isang Senate hearing kamakailan, sinabi ng isang Comelec official na target ng ahensiya na makapagrehistro ang apat na milyong bagong botante, ang tinatayang bilang ng mga kabataan na aabot sa minimum voting age bago ang halalan sa 2022.
Tinitingnan ng mga senador ang isyung ito kasama ang Comelec. Sa kaparehong Senate hearing, binanggit ng Comelec ang pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pagsapit ng 2022, mayroong 73 miyong Pilipino na nasa edad 18 pataas. Kumpara sa 58 milyon na kabuuang registered voters, nagbibigay ito ng gap na 15 million – o halos apat na beses na mas malaki sa target ng Comelec na apat na milyong botante. Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Comelec hinggil sa usaping ito.
Isinusulong ngayon ng Senate electoral reforms and people’s participation committee ang bagong panukala na magpapalawak sa coverage ng early voting entitlement para maisama ang: 9.8 million senior citizens, 9.2 million indigenous peoples (IPs), 2.2 million buntis, at 1.7 persons with disability (PWDs). Ang inaasahang restriksyon sa galaw ng mga tao na magtatagal hanggang sa susunod na taon—depende sa sitwasyon ng COVID-19 vaccination sa bansa—ang nagtutulak upang maikonsidera ang panukalang ito. Matatandaang sa US election nitong nakaraang taon, nagresulta ang early voting bago ang mismong halalan, ng malaking bilang ng botante sa kabila ng laganap na pandemya.
Kasabay nito, mahalaga rin na makasabay ang Comelec sa bugso ng digital transformation at i-modernisa ang voter registration system.Bagamat, mayrooniRegistroonline system na nagbibigay ng forms na maaaring i-fill up ng nais magparehistro, kailangan pa itong i-download, ayusin ang hard copy at saka magtutungo sa Comelec office upang makumpleto ang registration. Sa higit 14 buwan ng quarantine, tila hindi pa ikinokonsidera ng Comelec na i-prayoridad ang voter registration.
Dagdag pa rito, ano ang hakbang ng Comelec upang masolusyunan ang isyu ng physical distancing? Ang mga paaralan na ginagamit bilang voting centers ay maaaring dagsain ng tao. Mahalaga rin ang maayos na daloy ng hangin sa loob ng mga classroom.
Ang national election ang pinaka mahalagang aktibidad sa isang demokrasya. Dapat hikayatin ang lahat ng eligible voter na magparehistro. Ang pasilidad na gagamitin ay dapat na ligtas para sa pagboto. Dapat ding matiyak ang integridad ng proseso ng bilangan ng balota. May pandemya man o wala, dapat matiyak ng Comelec ang maayos na pagsasagawa ng malaya at ligtas na halalan.