PINUKPUK, Kalinga – Nagsama-sama ang mga residente sa liblib at matahimik na lugar ng Sitio Bonnong, Barangay Wagud ng naturang bayan at nag-martsa para maisulong ang kapayapaan laban sa mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa kanilang lugar, kamakailan.

Tinawag na “Walk for Peace” na may temang "Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Terorismo at Karahasan," isinapubliko ng mga residente ang kanilang sentimyento sa pamamagitan ngkanilangbitbit na placard nakumukondenaat pagtutol sa mga rebelde sa kanilang lugar.

Ang hakbang ng mga ito ay sinuportahan ng Kalinga Apayao Youth Organization (KAYO), local government unit at Community Support Program (CSP) operators.

Paliwanag naman ni Kalinga Provincial Police Director Davy Limmong, dapat na irespeto ng mga rebelde hinaing ng mga residente at hayaan na lamang silang mamuhaynang tahimik.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Zaldy Comanda