CAGAYAN - Aabot sa P1 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang criminologist sa Barangay Centro Uno, Lasam ng naturang lalawigan.

Pinangunahan ni Lt. Romar Acebo ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 sa pag-aresto kay Romel Maguddayao, 37, at taga-nasabing lugar.

Dinakip si Maguddayao matapos na magbenta ng isang bloke ng pinaghihinalaang marijuana na nagkakahalaga ng P1 milyon, nitong Biyernes.

Nahaharap si Maguddayao ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Danny Estacio