Nasa 215 labi ng mga bata ang nadiskubre sa isang dating boarding school na itinayo higit isang siglo na ang nakararaan para sa mga indigenous people ng Canada, ayon sa isang local tribe.
Gumamit ang specialist ng isang ground-penetrating radar upang makumpirma ang labi ng mga estudyante na pumapasok sa paaralan malapit sa Kamloops, British Columbia, saad pa ng Tk'emlups te Secwepemc tribe.
"Some were as young as three years old," pahayag ni chief Rosanne Casimir, na tinawag itong "an unthinkable loss that was spoken about but never documented by school administrators.”
Inaasahan namng ilalabas ang preliminary findings sa susunod na buwan, aniya.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang tribe sa coroner at museums upang mabigyan ng mas malalim na paliwanag ang nakagugulat na balitang ito at humanap ng anumang records para sa mga namatay.
Nakikipag-ugnayan na rin ito sa komunidad sa paligid ng British Columbia at mga kalapit nitong lugar.
Sa isang Tweet, sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na masakit tanggapin ang nadiskubreng ito.
"It is a painful reminder of that dark and shameful chapter of our country's history," aniya.
Ang pahayag na ito ni Trudeau ay sinang-ayunan ni Crown-Indigenous Relations Minister Carolyn Bennett na nag-alok ng suporta ng pamahalaan sa mga pamilya at indigenous communities “for their healing as we honour loved ones lost.”
Ang Kamloops Indian Residential School ang pinakamalaki sa 139 boarding schools na itinayag noong late 19th century, na umaabot ng 500 estudyante ang nakarehistro sa panahong iyon.
Pinamahalaan ito ng Catholic Church bilang kahalili ng pamahalaan mula 1890 hanggang 1969.
Sinasabing nasa 150,000 Indian, Inuit at Metis na mga bata ang sapilitang ipinasok sa mga paaralang ito, na dumanas ng pisikal at seksuwal na pang-aabuso mula sa mga guro at namamahala at nagtanggal ng kanilang kultura at wika.