Isang bagong variant ng COVID-19 ang nadiskubre sa Vietnam, na sinasabing mas mabilis kumalat sa hangin at isang kombinasyon ng Indian at British strains, pagkumpirma ng health officials nitong Sabado.

Nahahatap ngayon ang Vietnam sa bagong outbreaks sa higit kalahati ng mga teritoryo nito, kabilang ang mga industrial zones at malalaking syudad tulad ng Hanoi at Ho Chi Minh City.

Nasa 6,800 kaso kabilang 47 pagkamatay ang naitala sa Vietnam, mula nang umusbong ang pandemya.

"We have discovered a new hybrid variant from the Indian and the UK strains," pahayag ni Health Minister Nguyen Thanh Long sa isang national meeting on the pandemic, ayon sa state media.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"The characteristic of this strain is that it spreads quickly in the air. The concentration of virus in the throat fluid increases rapidly and spreads very strongly to the surrounding environment."

Hindi naman nito tinukoy ang bilang ng kaso na naitala sa bagong variant bagamat sinabi ng Vietnam na iaanunsyo nito ang natuklasan sa world's map of genetic strains.

Nitong Sabado, sinabi ng Vietnam Central Institute of Hygiene and Epidemiology na nadiskubre ng mga siyentista nito ang gene mutations sa apat mula sa 32 patient samples gamit ang gene sequencing.

May pitong coronavirus variants sa Vietnam bago pa ang pagkakatuklas, ayon sa Ministry of Health.

Agence France-Presse