CATANAUAN, Quezon - Isang barangay kagawad ang dinakip makaaang mahulihan ng baril at pampasabogsa bahay nito sa Barangay Madulao ng naturang bayan, nitong Sabado ng umaga.
Ang pag-aresto kay Pedrito Vasquez, 44, kagawad ng Bgy. Burgos sa Mulanay, Quezon ay isinagawa ngQuezon Provincial Intelligence Unit; Criminal Investigation and Detection Group-Quezon Provincial Field Unit, Catanauan Police, Lucban Police, Lucena City Police, TayabasCityPolice, 3rdPlatoon, 2ndQuezon Provincial Mobile Force Company at 85thInfantry Battalion ng PhilippineArmysa bahay nito sa Sitio NFA, Bgy. Madulao, Mulanay, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Agripino Bravo ng Regional Trial Court branch 55 sa Lucena City noong Mayo 27, 2021.
Kabilang sa mga nasamsam sa bahay ni Vasquez ang isang rifle grenade, at claymore mine (improvised explosive device) at isangCal. 45 pistol.
Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek.
Danny Estacio