Siyam sa mga inaasahang manlalaro ng Philippine Azkals ang hindi makalalaro sa darating na joint FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifiers.

Ito'y matapos na mag-withdraw ang mga nasabing manlalaro sa pangunguna ni Neil Etheridge sanhi ng magkakaibang mga rason.

Umurong ang Birmingham City FC keeper at Azkals vice-captain na si Etheridge dahil sa hindi isiniwalat na injury.

Hindi rin nakasama sa training camp sa Dubai ang mga high profile recruits na sina Gerrit Holtmann, Raphael Obermair, Lloyd Fagerlie at Jesper Nylholm.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaugnay nito, ipinatawag naman sina Kenshiro Daniels ng Kaya FC at Mike Ott ng United FC para punuan ang midfield, gayundin si Azkals Development Team shot stopper Quincy Kammeraad para maging ikatlong keeper sa roster.

Kasalukuyang nasa ikatlong ouwesto ang Azkals sa Group A ng qualifiers taglay ang 7 puntos sa likod ng nangungunang Syria na may 15 puntos at ng second placer China na ka-tabla ng Nationals sa puntos, gayunman, umangat sa second spot dahil sa superior goal difference.

Nakatakdang tapusin ng Azkals ang group stage sa pamamagitan ng pagsagupa sa Guam, China at Maldives sa ika-3, 7 at 15 ng Hunyo, ayon sa pagkakasunud-sunod. 

Nakatakda namang suportahan ng Chooks-to-Go sa pangunguna ng presidente nito na si Ronald Mascariñas, ang kampanya ng Philippine Azkals sa nabanggit na international competition.

Marivic Awitan