Nakamit ng Filipino karateka na si James De Los Santos ang kanyang pang-22 gold medal ngayong taon matapos magwagi sa Athlete's eTournament World Series #3 online kata.
Isiniwalat ng world top ranked men's virtual kata player na nagwagi kontra sa kanyang Swiss counterpart sa finals, ay may itinakdang bagong goal para sa kanyang sarili.
"I'm aiming to surpass my record last year, which was 36 gold medals," wika ni De Los Santos.
Unang iginupo ni De Los Santos si Ruud Karsten ng Netherlands sa semifinals bago nya Ronaldo si Matias Moreno Domont ng Switzerland sa finals.
Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 58 gold medals ng napanalunan si De Los Santos sa virtual kata na lalo pang nagpatibay sa kanyang estado bilang world's top men's online kata player.
"I’ll have to join more tournaments this year to try to surpass my record. But it’ll also take hard training as well to reach that goal," pahayag ni De Los Santos.
Sa ngayon ay mayroon ng natipong 4550 puntos si De Los Santos at kasunod niya bilang world no.2 si Silvio Cerone-Biagoni ng Brazil na may 2,450 puntos.
Marivic Awitan