Isang pedestrian ang binawian ng buhay nang mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Antipolo City, nitong Biyernes ng hapon.

Dead on the spot si Crishdaniel Agutaya dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Inaresto naman ng mga pulis ang driver ng SUV na si Erron Apitana, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Antipolo City Police, ang aksidente ay naganap sa Pedracio St., Bgy. Dalig, dakong 4:00 ng madaling araw.

Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Minamaneho umano ng suspek ang kanyang SUV na may plakang UOM-489 sa Pedracio St. at pagsapit sa lugar ay lumiko ito pakanan kung saan nito nabundol si Agutaya.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay Apitana.

Mary Ann Santiago