TABUK CITY, Kalinga - Isa namang malaking taniman ng marijuana ang nadiskubre sa bulubunduking bahagi ng dalawang barangay sa Tinglayan, Kalinga, nitong Biyernes.

Paliwanag ni Kalinga Provincial Police Office Director Davy Limmong, tatlong taniman ng marijuana ang nabisto ng grupo ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Loccong at sa Bgy. Buscalan, nitong Mayo 28.

Paliwanag ni Limmong, sinunog na nila ang aabot sa P13,464,000 halaga ng marijuana upang hindi na ito mapakinabangan.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Zaldy Comanda