Marami nang namatay sa pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo, at ‘di pahuhuli ang ating bansa sa pinsalang tinamo rito. Ngunit sa kabila nito, may nag-aalab na damdamin na pinukaw ang pandemya sa puso nating mga Pilipino, at ito ang “ispiritu ng bayanihan” na tila matagal na rin nating nakalimutan.
Walang kaduda-duda, binuhay nang mapaminsalang virus ang likas na pagmamahal natin sa kapwa Pinoy na ‘di matiis na nakikitang naghihirap sa gitna ng pandemiya. Dahilan ito nang pagbangon mula sa kinahihimlayan ng kulturang BAYANIHAN – ang pagkakapit-bisig nating mga Pinoy upang matulungan ang marami nating naghihirap na kababayan!
Ang simpleng pangungusap na ito -- “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan” – na mabilis na nag-viral sa social media, ang nakikita kong nag-umpisa ng lahat…Maraming salamat Madam Ana Patricia Non sa “community pantry” mong inilatag sa Maginhawa street sa Diliman, Quezon City na naging mitsa sa pagsiklab ng damdamin na makatulong sa ating mga kababayan na inilugmok ng COVID-19.
Yun lang, ‘wag ng pansinin ang mga istupidong opisyal na sinisilip pa na maka-komunistang pagkilos daw ang pagpapakasakit na ito para sa naghihirap nating kababayan. Inis-talo at inggit lang ang mga iyan dahil nasapawan ng “bible-inspired miracle ni Jesus Christ” -- ang matagumpay na “community pantry” na kalat na ngayon sa buong kapuluan, at ginagaya na rin sa ibang bansa!
Sa ganitong pagkakataon, bigla tuloy pumasok sa aking alaala ang paborito at hinahangaan kong naging pangulo ng bansa na si Fidel V. Ramos (FVR) – na madalas na manawagan noon sa ating mga kababayan na sa gitna ng anumang kapighatian sa bansa, kinakailangang bumuo ng komyunidad – “community of caring, sharing and daring” – at ganito ang palagi niyang bukambibig: “Filipinos should always continue the ‘bayanihan spirit’ in our daily and national lives.”
Kaya naman di ako nagtataka sa ginawa ni retired Gen. Reynaldo V. Velasco, kasalukuyang MWSS Chairman at concurrent Administrator, nang manawagan ito sa kanyang mga tauhan, at mga concessionaires – Manila Water, Maynilad and Luzon Clean Water – na gayahin ang “community pantry” sa Diliman, Quezon City sa kanilang mga pinase-serbisyuhang lugar, para makatulong sa mga naghihirap nating kababayan ngayong pandemiya. LODI kasi si FVR ni Chairman Velasco noong siya ay commander pa ng PNP Special Action Force (SAF)
Tahimik lang at walang media coverage ang naging proyektong ito ng MWSS sa pakikipagtulungan sa LGU ng Quezon City. Namahagi sila ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan – pagkain, groceries, bigas, gulay at namigay rin ng pera – at sa loob lamang ng isang linggo ay umabot sa 4,650 families ang nakinabang dito.
Hindi rin nagpahuli sa pagtulong – ala “Diliman Community Pantry” -- ang big boss ng SMC na si Ramon S. Ang. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni RSA: “We continue to find meaningful ways to connect struggling farmers around the country to food-insecure communities. Through our SMC Infrastructure, we were able to initially supply over 1,000 kilos of fresh vegetables and San Miguel food products to over 500 families from Barangays Pansol and Balara in Quezon City. The food was sourced from our Better World Diliman community center that buys surplus crops from farmers reeling from the pandemic. With this, we are able to help sustain farms by redirecting excess produce to families in need. Thank you to our teams from Bulacan Bulk Water and MRT-7, for volunteering their time, and to our partner MWSS for spearheading, and allowing us to take part in, this worthy cause.”
Hindi lang ito, nakipag-ugnayan din ang SMC sa Department of Agriculture (DA) upang makapagbukas ng mga direktang tindahan na kung tawagin ay “Kadiwa ni Ani at Kita” na matatagpuan sa mga Petro gas stations sa buong Metro Manila. Naglalayon ang proyektong ito na maipaabot nang direkta sa mga mamamayan sa Kalakhang Maynila ang mga produktong gulay at prutas at iba pang produkto ng mga magsasaka, na hirap dalhin sa malayong lugar ang kanilang mga ani. Kaya siguradong mura ang mga bilihin dito dahil wala ng middleman sa bentahang ito!
Heto pa mula pa rin sa SMC – ang tinatawag na “Better World” sa lugar na pag-aari ng SMC sa loob ng UP Village, Diliman, Quezon City. Direktang nagtitinda rito ang mga magsasaka mula sa mga lalawigan ng Luzon sa murang halaga. Tulong ito ng SMC sa mga magsasakang pinadapa ng pandemiya. Ani RSA: “Together with Rural Rising PH, we hope to further boost the incomes of farmers, particularly by aggregating their fresh produce and selling directly to customers here in Metro Manila.”
Ang Maynilad, siyempre, ayaw magpahuli, kaya join na rin sa mala-community pantry festival sa ilalim ng programa nitong “Ideaspace” – na ayon kay Ramoncito S. Fernandez, Maynilad President: “Aside from providing local farmers access to affordable capital, they also help find or create market for the produce of the farmers. This is the reason why Maynilad has partnered with Cropital for our BuyLocal CSR program. Through this, we aim to directly support the livelihood of Filipino farmers by creating a sure market for their produce through the purchases of our employees and their families and friends.”
Oh di ba – sana lahat ng mga bigtime na kumpanya at mga may-ari nito ay mag-join na rin sa pagbuhay sa kulturang ito – ang BAYANIHAN. Mabuhay ang sambayanang Filipino!
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]