National director na ngayon si dating Binibining Pilipinas Grand International titleholder Eva Psychee Patalinjug, ng kanyang sariling beauty pageant.

Ayon sa 26-anyos na dating beauty queen, hangad ng Magandang Filipinas beauty pageant na mahanap ang mga Pinay na “beautiful inside and out.”

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Sa Agosto 8, 2021, idaraos ang unang grand coronation night ng Magandang Filipinas sa Bohol.

Kabilang sa titulong makukuha ng magwawagi ang—Miss Tourism World, Miss Tourism International, at Magandang Filipinas International.

Si Eva ay isa nang mommy sa kanilang first baby ng kanyang partner na siFrancis Lim.

Bago itatag ang Magandang Filipinas, nagtapos muna ang dating beauty queen sa law school.