Lumipad patungo ng Los Angeles, California si Megastar Sharon Cuneta para sana mag-shoot ng kanyang unang Hollywood movie kasama ang all-Filipino cast kabilang ang komedyanteng si Jo Koy.

Pero hindi ito natuloy.

Bakit?

Ang nangyari, nakatanggap umano si Sharon ng “false positive” COVID-19 test result.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ito ang ibinahagi ni Sharon sa isang Instagram live session kasama ang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan, kamakailan.

“I was coming to Hollywood to do my first Hollywood film, not for any platform, not for Netflix, but for cinematic release with premieres all over,” pagbabahagi ni Megastar, kung saan nito nabanggit na nakatakda sana siyang gumanap bilang supportive aunt ng karakter ni Jo Koy.

“Produced by Dan Lin who made ‘Aladdin,’ and the big boss, the one and only Steven Spielberg, the very first all-Filipino cast (that) I was so honored to be chosen to be part of.”

Patuloy pa ni Sharon, “I was flying out May 18. On May 16 I got swabbed by one laboratory. I cannot find it in my heart to forgive. I was so happy. Naka-pack na kami and I was going to announce to you the very next day.”

Ngunit sa lumabas na resulta, “positive” sa virus ang aktres.

“It was heart-wrenching for me. Literally nanlambot ako para ako nalula,” pag-amin ni Sharon.

Sa katunayan, after ng kanyang positive test, muling nagpa-test si Sharon sa pitong magkakaibang lab.

At lahat nang ito, negative ang resulta.

“That’s why I was so depressed. It was false positive and seven trusted labs tested me negative,” aniya.

“Nawalan ako ng malaking oportunidad na ’di na mababalik sa akin. Kahit gusto nila JoKoy at director na nandoon pa rin ako, wala silang choice na ituloy ’yung movie.”

Ang role sana ni Sharon napunta sa Fil-Am actress nasi Tia Carrere.

“When I couldn’t make it, she got the other lead role. It broke my heart. It really did because it was such an honor to be part of the very first all-Filipino production in Hollywood backed by a producer as big as Steven Spielberg,” kuwento pa ni Sharon sa kanyang nasayang na opportunity.

“I felt like dala-dala naming lahat ’yung bandila ng Pilipinas in the middle of all this Asian hate in America and some parts of the world … ’yun ang kina-break ng puso ko and pinabayaan ako ni Kiko magluksa…”

“Hindi na maibabalik sa ’kin ’yung oportunidad dahil lang sa isang pagkakamali sa COVID test kasi seven labs against one. Siguro naman tama ’yung seven.”

Anyway, ang magandang balita hindi tumitigil ang manager ni Megastar na makakuha ulit ng panibagong Hollywood opportunity.

Sa katunayan, may mga meetings at auditions siya.

“That’s why I’m here because now people here know I am accessible and I am available,” aniya.

Ibinahagi rin ni Sharon na plano magtayo ng sariling production company sa Amerika.