Tiniyak niCabinet Secretary Karlo Nograles na i-aanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classification ng bansa sa Mayo 31.

Ito aniya ay tugon ng pangulo sa naging rekomendasyon ng Inter-agency Task Force (IATF) para sa susunod na buwan.

“Binigyan na po natin ng pagkakataong mag-appeal ang ating mga iba’t ibang governors or local chief executives doon sa ating recommended na bagong community quarantine classifications” paliwanag nito.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Nakadepende aniya kay Duterte ang pinal na desisyon kaugnay ng quarantine classification ng bansa.

“After that, ibibigay natin kay Pangulo ang final recommendation. I-a-announce natin sa Monday kung ano 'yung magigingcommunity quarantine classification for the month of June,” aniya.

Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marami pa rin ang mga dapat i-konsidera bago maging maluwag ang mga restriction sa NCR.

Nasa ilalim pa rin ng GCQ with heightened restrictions ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa katapusan ng buwan.

Ito ang naging pahayag ni Roque matapos ihayag ng OCTA Research team na nakikita nila ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na may higit 1,000 kada araw at ang reproduction number naman ay bumaba sa 0.53.

Ang reproduction number ay ginagamit para makita ang bilang ng mga nahahawaan ng virus mula sa isang tao na nagpositibo nito.

Binigyang-diin pa ng OCTA Research group, kayang makontrol ang paglaganap ng virus hanggang Oktubre ngayong taon kung ang vaccination rate ay 250,000 kada araw.

Argyll Cyrus Geducos