Naitala ng mountaineer mula Hong Kong ang pinakamabilis napag-akyat ng bundok ng isang babae sa buong mundo.

Sa tala na 25 oras at 50 minuto, naakyat ni Tsang Yin-hung, 44, ang 8,848.86-meter (29,031 feet) mountain nitong Linggo, inanunsiyo ni Everest base camp’s government liaison officer Gyanendra Shrestha.

“She left the base camp at 1:20 pm on Saturday and reached (the top at) 3:10 pm the next day,” pagbabahagi ni Shrestha sa AFP.

Gayunman, kailangan pa ring iprisinta ni Tsang ang kanyang record sa Guinness World Records upang makatanggap ng certification para rito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Pinatotohanan ng Nepal government na naabot ng mga climbers ang summit ng pinakamataas na bundok sa buong mundo, pero hindi sila naglalabas ng certifications para sa record.

Sa ngayon, hindi pa nagkokomento si Tsang at ang kanyang expedition organizers, na patungo na ngayon sa Kathmandu.

Sa tala, ang Nepali na si Phunjo Jhangmu Lama ang pinakamabilis na babaeng nakarating ng summit, sa oras na 39 oras at 6 minuto.

Noong 2017, si Tsang ang unang babae mula Hong Kong na nakarating sa tuktok ng Everest. Ito na ang kanyang ikatlong attempt na maakyat ang Himalayan peak.

Nasa 408 Everest permits ang nailabas ng Nepal para sa climbing season matapos itong makansela noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

Agence-France-Presse