Kumusta na nga ba ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na kasalukuyan pa ring nasa Amerika kasama ng kanyang Fil-Am husband na si Trevor at anak na si Athena?

Hindi na kasi nakabalik ng ‘Pinas si Rufa Mae last year, magmula nang magkaroon ng lockdown dahil na rin sa pandemic. Ibinahagi ng komedyante sa show ni Pia Arcangel na “Tunay Na Buhay” ng GMA-7 ang kanyang naging buhay Amerika sa pamamagitan ng virtual interview.

Good vibes ang naging takbo ng kuwentuhan nila Pia at Rufa Mae at to the highest level pa rin ang paandar ng komedyante. Aniya, habang nasa Amerika raw si Rufa Mae nakakaaliw na no-nose bleed pa rin daw siya at naho-home sick.

Kung hindi lang sa pandemic malamang nakabalik na ng ‘Pinas si Rufa Mae dahil wala raw sa plano niya ang mag-stay nang matagal sa US. Dahil nga no choice naranasan din niya ang naranasan ng mga kapwa Pinoy na kung anong mayroong buhay sa Amerika. Yun ay ang pagiging independent. Lalo’t ngayon na may bago silang bahay siya ang lahat ang gumagawa dahil hindi uso ang kasambahay doon. Kaya naman sabi niya, “Oo ako lahat kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano pa alam mo yun. Bilang importante at saka trabaho hindi ka na dapat tumaba. Kasi kung hindi magfafall down yung bahay.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Paniniguro ni Rufa Mae kahit may bagong bahay sila sa US uuwi pa rin daw siya ng ‘Pinas this year. Aniya, gusto raw niyang bumalik at para ayusin ang buhay niya sa ‘Pinas. Bukod doon sabik na rin daw niyang makita at tirhan ang nabili niyang napakagandang brandnew house na may 5 bedroom. Hindi rin mawawala sa isipan ni Rufa Mae ang mamiss ang kanyang pamilya at lalo na’t hindi mawawala sa bokabularyo niya ang sobrang pagka-miss sa showbiz, ang acting at taping.

Sa pagiging full-time mother naman ni Rufa Mae doon daw niya naramdaman ang sarap, saya at sakit din. Ang importante naaalagaan at nasusubaybayan niya ang paglaki ng anak niyang si Athena.

Habang nasa Amerika si Rufa Mae at bilang isang housewife paglalahad niya umabot pa raw na naiyak siya habang naghuhugas ng pinggan dahil nag-flashback sa kanya ang kasikatang natamo niya bilang artista tapos heto’t naghuhugas daw siya ng pinggan. Kalaunan naman nakapag-adjust naman daw siya. Mas mabuti na rin daw ito dahil nakikita ng anak daw niya ang tunay na buhay. Sa kanyang loving husband naman na si Trevor paglalarawan niya, “He cares for us of course he loves us pero yung care niya for us to be the best version of ourselves.” Yun na! Go go go!