CAUAYAN CITY, Isabela - Dinakip ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na babae matapos magbenta ng illegal drugs sa isang pulis para umano may magamit sa birthday party ng kanyang anak sa Barangay San Fermin, nitong Huwebes.

Kiniala ng pulisya ang suspek na si Karla dela Cruz, single parent, at taga-Bgy. Lanting, Roxas, Isabela.

Sa report, inaresto ang suspek matapos niyang bentahan ng shabu ang isang police poseur buyer sa FN Dy Boulevard.

Nasamsam sa kanya ang 0.51 grams ng iligal na droga at pinagbentahan nito na P6,800 na gagamitin sana nito sa kaarawan ng kanyang anak.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Liezle Basa Iñigo