LAGUNA - Isang dating hepe ng Laguna Traffic Management Office (LTMO) ang dinakip ng mga tauhan ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police dahil umano sa pangongotong nito sa mga negosyante ng gravel and sand nitong Huwebes.

Si Marino Garcia, isang retiradong pulis ay inaresto ng mga tauhan ng PNP-IMEG - Luzon Field Unit, PNP-Special Action Force at Regional Intelligence Unit-4A nang tanggapin ang marked money na P5,000 mua sa isang complainant na driver sa isang gasoline station sa Barangay Calo sa Bay ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, kabilang umano sa modus ng suspek na gamitin ang mga traffic enforcer at ipahuli ang mga truck na kargado ng buhangin at graba kapag dumadaan sa national highway ng nabanggit na bayan.

Bagamat may naipapakita ang mga driver na permit at delivery receipts mula sa Governor’s Office ng Batangas ay hindi ito kinikilala ni Garcia at sa halip ay puwersahang pinagbabayad ang mga driverng P5,000 upang i-release ang kanilang mga truck.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa patuloy na pangongotong, hiningan pa umano ng suspek ang bawat operator ng lingguhang payola na P10,000. Gayunman, matapos ang ilang araw ay tinaasan niya ito ngP40,000 bawat linggo bilang protection money kapalit ng hindi paghuli sa mga ito sa dinadaanang checkpoint sa lalawigan.

Danny Estacio