Tuloy ang pag-aalburoto ng Bulusan Volcano at Mt. Pinatubo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Paliwanag ng Phivolcs, aabot sa 35 ang naitalang pagyanig ng Bulkang Bulusan at 33 naman sa Mt. Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.
Napansin din ng ahensya ang mahinang pagbuga ng usok ng Bulusan Volcano.
Nasukat din ng Phivolcs ang pagbuga nito ng sulfur dioxide na umaabot sa 48 tonelada kada araw nitong Mayo 20.
Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan kaya ipinagbabawal pa rin ng pamahalaan ang paglapit o pagpasok sa ipinaiiral na 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng maranasang hazardous phreatic eruptions nito.
Paglilinaw naman ng Phivolcs, isinasailalim pa rin sa Level 1 ang alert status ng Mt. Pinatubo dahil sa ipinaramdam na low-level unrest na isinisi sa tectonic process sa ilalim ng bulkan.
Ellalyn De Vera-Ruiz