Sinuspindi ng 60 araw at walang matatanggap na suweldo ang kapitan ng Barangay 171 sa Caloocan City kaugnay ng nangyaring insidente sa Gubat sa Ciudad resort nitong Mayo 9.

Ikinatwiran ni Mayor Oscar Malapitan, napagdesisyunan ng Sangguniang Panglungsod na patawan ng suspensyon ang kapitan na si Romeo Rivera matapos mapatunayang guilty sa kasong negligence of duty dahil sa kasong administratibo.

Sa resolusyon, binanggit na hindi napigilan ni Rivdra ang operasyon ng Gubat sa Ciudad sa kabila kahit lumabag pa ito sa ipinatutupad na safety at health protocol ng Inter-Agency Task Force laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang mahigit sa 400 ang dumagsa sa naturang resort upang ipagdiwang ang "Mother's Day" nitong Mayo 9 kahit nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus.

Eleksyon

Survey firms, obligado nang irehistro sa Comelec para maging awtorisado ang 'election survey'

Sa rekord, aabot sa 60 sa mahigit 400 na nag-swimming ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa panig ni Rivera, hindi niya alam na nag-o-operate ang nasabing resort dahil nagsisimba umano siya nang maganap ang insidente, kasama ang kanyang asawa.

Orly Barcala