Personal na nakipaglamay si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa burol ng 18-anyos na lalaking nahahanay sa may "special needs" na nabaril ng isang pulis sa isang anti-illegal gambling operation sa Valenzuela City, kamakailan.

Kasama ni Eleazar sa nagtungo sa lugar si Valenzuela Police chief, Col. Ramchirisen Haveria Jr.

Bukod dito, tiniyak din ni Eleazar sa pamilya ng biktima na mabibigyan ng hustisya ang pagkakapaslang sa isa sa miyembro ng kanilang pamilya.

Matatandaang nabaril at napatay ni Senior Master Sergeant  Christopher Salcedo ang biktima sa isinagawang anti-gambling operation sa Barangay Lingunan ng lungsod, nitong Linggo.

‘Huwag magpakaplastik!’ PCO Usec. Castro, sinita si Sen. Imee Marcos

Orly Barcala