Solong napanalunan ng isang Davaoeño ang tumataginting na P181 milyong jackpot ng MegaLotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na binola nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nahulaan ng nabanggit na mananaya ang winning combination na 23-43-29-32-36-04 kaya’t napagwagian nito ang premyong P181,680,185.60.

Nabili ng mananaya ang kanyang ticket sa isang lotto outlet sa Davao City, Davao del Sur, ayon pa sa PCSO.

Probinsya

Dalawang magkaibang 'rambol' sumiklab sa Ati-Atihan festival

Mary Ann Santiago