Mahigit isang taon na ang pandemya, ngunit nandito pa rin ang mga kumakalat na maling
impormasyon tungkol sa COVID-19. Ang kredibilidad ng mga doktor at mga public health
practitioners ay bumababa dahil sa mga maling impormasyon at sa mga nagkukunwaring
eksperto na nagdudulot ng pinsala sa kanila.
Myth 1: Mahigit isang taon na ang nakalipas, bakit wala pa rin tayong mass testing?
Ito ay walang katotohanan at mapanlinlang na pahayag. Ang sapat na mass testing ay naabot na
ng Pilipinas. Ayon sa alituntunin ng World Health Organization, isa sa mga criteria ng
kontroladong epidemya ay mababa sa limang porsyentong samples ng positive sa COVID-19 sa
loob ng dalawang linggo. Ito ay nakamit na ng bansa mula Disyembre 2020.
Myth 2: Mas mapapabilis ang “reopening” kung ang pagte-test kada araw ay10 hanggang 20
porsyento ng populasyon.
Ito ay walang katotohanan at imposibleng makamit ng halos lahat ng bansa. Una, walang bansa
sa mundo, maliban sa mga maliliit na bansa, na mayroong sapat na mapagkukunan para i-test
ang 1/10 na populasyon kada araw. Sa Pilipinas, ito ay 10 milyong test na nagkakahalaga P30-60
bilyon kada araw. Ang pagtest ng 10 hanggang 20 porsyento ng populasyon kada araw ay hindi
makatotohanan, sayang at imposible.
Myth 3. Sa 1,000 Pilipino, 85 lang ang nate-test para sa COVID-19 kada araw.
Ang numero ay hindi makahulugan kung walang maayos na konteksto. Kung ang isang tao ay
naninirahan sa Batanes na kung saan walang bagong aktibong kaso ng COVID-19, bakit
kailangan pang may i-test? Kung magte-testing lang para masabing may natest ay sayang lamang
ito kung wala namang aktibong kaso sa lugar.
Myth 4. 110 out of 172 na bansa ang ranggo ng Pilipinas sa kabuuang bilang ng testing ng
populasyon nito.
Ito ay hindi makahulugan kung walang konteksto. Maraming bansa katulad ng US, France, UK,
Spain, na mas mataas ang ranggo kaysa sa atin sa kabuuang bilang ng testing sa kanilang
populasyon ngunit sila ang may mas mataas na bilang ng mga namatay. Pang 115 th ang Pilipinas
sa bilang ng mga namatay kada milyong populasyon. Ang pagte-test maging ang testing rates ay
dapat makita sa loob ng konteksto nang pangangailangan, hindi sa bilang lamang.
Myth 5: Lumalaban tayo nang nakapiring (tungkol sa hindi sapat na testing)
Ito ay walang katotohanan. Mayroon genomic surveillance system na nagta-track ng mga iba
pang variant ng virus. Lahat ng RT-PCR at antigen test ay maayos na idinedeploy sa mga
symptomatic, close contacts at lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso. Mahalaga ang
testing para maging gabay ito sa contact tracing maging sa pagmamatyag sa COVID-19.
Ang pagturing sa random mass testing lamang bilang epektibong lunas ay hindi tama at walang
siyentipikong basehan.
Myth 6: Inamin na ng WHO na ang COVID-19 ay airborne.
Ito ay walang katotohanan at mapanlinlang na pahayag. Sinabi na ng WHO dati pa na ang
COVID-19 ay maaaring airborne sa loob ng mga ospital, lalo na kapag gumagawa ng mga
aerosol-generating procedures. Idinagdag nila ang posibilidad na maaaring may mahawa sa isang
kulob na lugar na walang maayos na daluyan ng hangin. Kailangan maisa-ayos ang mga
bentilasyon ng mga kulob na lugar at iwasan ng mga tao na tanggalin ang kanilang mga face
mask sa mga ganitong lugar.
Myth 7. Kailangan magpa-test ng antibodies upang makasigurado na epektibo ang bakuna
laban sa COVID-19.
Ito ay walang katotohanan. Hindi inirerekomenda ng US Centers for Disease Control ang
magpa-test ng antibodies pagkatapos mabakunahan. Sapagkat ang mga bakuna ay
nagbibigay ng ibang pagtugon sa iba’t ibang uri ng mga antibodies. Samantala, ang mga
antibody tests naman ay sinusukat ang iba’t ibang uri ng mga antibodies. Ang
kasiguraduhan para sa proteksyon sa mga bakuna ay ‘yung mga galing sa clinical trials at
real-world efficacy na pag-aaral.
Sa pagdating ng mga bakuna, mas kailangan natin palakasin ang loob ng mga tao sapagkat
ito yung pinaka mabilis na paraan upang makawala sa pandemya.
Ang pagpigil sa paglaganap ng mga fake news at maling impormasyon ay mahalaga upang
makamit natin ang mga plano o hangarin upang maging COVID-19 free ang Pilipinas.