Ibinasura na ng mga kongresista ang isinampang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Sa botong 37-0, nagkaisa ang mga miyembro ng House Committee on Justice at sinabing isa lamang papel na basura ang reklamo na isinampa ng mamamahayag na si Edwin Cordevilla matapos itong madetermina na "insufficient in form."
Nauna nang naghain ng mosyon si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nagsasabing maraming rason upang maibasura ang reklamo.
Hindi sumali sa botohan ang dalawang kongresistang sina Rep. Lawrence Fortun (1st District, Agusan del Norte) at Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City).
Si Fortun ay miyembro ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) habang si Quimbo isa sa respondent sa iniharap na quo warranto petition na nakabinbin pa rin sa naturang electoral tribunal.
Si Leonen na chairman ng HRET, ay inakusahang inuupuan ang iniharap na reklamong humihiling na tanggalin sa puwesto si Quimbo.
Matatandaang inihayag ni Cordevilla may ugnayan sina Leonen at Quimbo at sinabing appointee ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III habang si Quimbo ay kaalyado nila sa politika.
Ben Rosario