Lima pa lamang ang naiulat na nasawi at mahigit sa 1.5 milyong residente ang lumikas nang hambalusin ng bagyong Yaas ang India, nitong Miyerkules.

Paliwanag ni West Bengal chief minister Mamata Banerjee, aabot sa 13 piyeng taas ng alon ang humampas sa mga bahay sa dalampasigan ng Digha na ikinamatay tatlong residente, kabilang ang isang naipit nang madaganan ng gumuhong bahay.

Isang pari naman at isang bata ang binawian ng buhay matapos silang madurog ng mga natumbang punongkahoy sa Odisha.

Ipinahayag pa ni Banerjee na napilitang lumikas ang mahigit sa 1.5 milyong residente dahil sa lakas ng bagyong humambalos sa West Bengal at Odisha.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Taglay aniya ng bagyo ang lakas ng hanging 155 kilometro kada oras.

Isinisi naman ito ng mga siyentista sa matinding climate change na nagpapainit sa Bay of Bengal at Arabian Sea.

Agence-France Presse