Bumulagta ang dalawang riding-in-tandem nang lumaban umano ang mga ito sa mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa isang checkpoint sa Caloocan, nitong Miyerkules ng gabi.

Depensa ni HPG chief, Brig. Gen. Alexander Tagum, nakabantay sa isang checkpoint ang mga tauhan nito saCongressional Road Extension sa North Caloocan nang biglang humarurot ang driver ng isang motorsiklo na may isang angkas kahit pinapara na sila, dakong 11:30 ng gabi.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan hanggang sa sumemplang ang motorsiklo sa Mount Apo Drive sa Bgy. 171 sa nabanggit na lungsod. Gayunman, sa halip na sumuko ay pinaputukan pa umano ng dalawa ang mga pulis hanggang sa magkaroon ng sagupaan.

Dead on the spot ang dalawang suspek na sinaYukiro del Rosario at Clarence John Angelo Torno, kapwa taga-Novaliches, Quezon City.

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

Aaron Recuenco at Orly Barcala