Dalawa ang binawian ng buhay at dalawa rin ang naiulat na nasugatan nang sumabog ang isa sa gusali ng arsenal ng Department of National Defense (DND) sa Limay, Bataan, kamakailan.

Sa ulat na natanggap ng Camp Crame, nakilala ang dalawang nasawi na sina Ricaddo Solomon, 40; at Marvin Tatel, 38.

Isinugod naman sa ospital ang dalawang nasugatan na sinaMacreldo Rodriguez at Allan Wisco.

Binanggit sa report na tinitimpla ninaSolomonat Tatelang explosive chemicals sa magkahiwalay na silid ng DND Arsenal nang magkaroon ng malakas na pagsabog, dakong 10:30 ng umaga.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!

Naiulat na ginagamit ng dalawa ang nasabing kemikal bilang bullet primer.

Sinabi ng pulisya na gumagawa ng report si Rodriguez sa kanyang mesa habang si Wisco ay nag-aayos ng hydraulic system nang maganap ang insidente.

'Portion of Building 27 and othermachinerieswere damaged due to the explosion,” sabi pa sa ulat.

Aaron Recuenco