Sinagot ng ilang frontliners ng Philippine Red Cross (PRC) Subic at netizens ang aktres na si Angelica Panganiban dahil sa tila wala sa lugar na pagrereklamo nito.

Imbis kasi na magpasalamat na lang aktres sa serbisyo ng PRC Subic, nag-rant pa ito sa Twitter dahil sa paghihintay ng isang oras at sa umano’y “palakasan” sa pagpapa-swab test.

Tweet ni Angelica,“Hello red cross subic!! Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo. Nakaalis na din mga nakasabay naming. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan: ) tweet ko lang.”

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

https://twitter.com/angelica_114/status/1397022863408861186

Ito ay sa kabila na wala naman palang appointment ang aktres at ang boyfriend nito.

Sagot ng isang PRC Subic frontliner, na mismong nag-swab sa boyfriend ni Angelica, sana ay naging grateful na lamang si Angelica na nai-swab ang kasama nito kahit hindi pumila at walang appointment.

“Be grateful na lang sana na na-iswab yung kasama mo ma’am without queueing at maramdaman yung init sa tent while waiting for their turn. May appointment lahat ng nagpaswab today, and hopefully kayo rin para valid ‘tong rant mo ma’am.”

“People who were swabbed before you sa parking, we’re actually illed and yung isa nga ambulansya pa eh. Di mo ba kita ma’am? Ang pagiging artista ma’am di kasama sa priority list, yet, lumabas ako to swab yung kasama nyo,” dagdag pa @iammarky.

Pinaalalahanin din nito ang aktres na sa susunod e, pumila sana ito para malaman na hindi lang siya ang kliyente.

“Next time punta kayo maaga, we‘re open at 9AM, make sure may appointment kayo and better pila kayo so that malaman nyo na di lang kayo ang client namin. Mas nakakapagod palang lumabas sa tirik ng araw to swab such artists tapos more rant lang. Kala ko pa naman happy ka dito o.”

Dahil sa paliwanag ng mga frontliner, nainis at pinuna tuloy ng ilang netizens ang aktres sa pagrereklamo nito nang wala sa lugar.

Reply ni @martarmand, “Sa hirap ng trabaho naming mga medical frontliners ngayon dumadagdag pa tong mga feeling VIP na mga artistang laos na at matanda na. No wonder kaya to iniiwan ng kung sinu sinong lalaki. Kita sa ugali.”

Tugon ng isa pa “Bakit kasi sa nasa parking ka at di bumaba for verification? Ikaw pa talaga ang pinuntahan diyan ng mga medtech na nakaPPE habang tirik ang araw. Entitled ka masyado teh? Gold utot mo?"

“Red cross is neutral, di ka nila ipprioritize. Kelangan mong pumila kagaya ng iba, hindi porket artista ka uunahin ka nila. Red Cross is bigger than you kaya kung maninira kaya, you should think twice,” paalala naman ng isa.

Ang Philippine Red Cross ay miyembro ng International Red Cross at Red Crescent Movement. Ito ay isang Independent at Autonomous Non-Government Organization na hindi kakabit ng anumang government agency.

Myca Fernandez