Isang Pilipina ang kinilalang “Teacher of the Year” sa United States Virgin Islands.

Si Cristina Marie Senosa, guro sa Ivanna Eudora Kean High School, ang unang international teacher na pinangalanang “2021-2022 State Teacher of the Year” ng Virgin Islands Department of Education (VIDE), kamakailan.

Sa isang panayam sa DZMM, ibinahagi ni Senosa na isang “overwhelming experience” ang naging journey niya upang makamit ang titulong “State Teacher of the Year” was an “overwhelming experience.”

“Di ko lang po kasi dinadala ‘yung distrito ko, at tsaka ‘yung school ko (It’s not just my district and my school that I am representing). I also lift the banner — the flag of the Philippines very high,” pagmamalaki ni Senosa.

Aniya, dumaan siya at ang iba pang mga nominado sa masusising proseso.

Ang mga nominado sa parangal ay pinipili ng bawat paaralan.

“Ang hinahanap nila meron kang classroom involvement, good relationship and rapport sa (with) parents and the community, tapos meron kang (and those who have) extra-curricular activities and certified teacher ka sa (in) Virgin Islands,” aniya.

Pinagbasehan, aniya, ng mga hurado ang isang lesson demonstration at face-to-face interview kung saan sila natanong hinggil sa iba’t ibang plataporma o adbokasiya na nais nilang isulong.

Iprinisinta naman ni Senosa ang “E-Connect (Educators Connect),” isang private group sa Facebook kung saan maaaring magbahagi ang mga guro ng tips sa bawat isa sa usapin ng distance learning o synchronous at asynchronous learning.

Dagdag pa ng Pinay teacher, nagbibigay rin siya ng mga pagsasanay sa mga miyembro sa mga topics tulad ng learning engagement o pagpapasigla ng isang klase.

Taong 2012 nang iwan ni Senosa ang Iloilo upang magturo sa Doha, Qatar. Matapos mag-expire ang kontrata noong 2016, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagturo sa US Virgin Islands.

Noreen Jazul