Binigyang-diin ng China nitong Lunes na“totally untrue” ang mga ulat na tatlong researchers sa Wuhan ang nagtungo sa ospital nang may karamdaman bago umusbong ang coronavirus sa syudad at kumalat sa buong mundo.
Mula nang kumapit sa unang biktima sa central Chinese city noong huling bahagi ng 2019, lumaganap na ang pathogen sa halos lahat ng bansa sa mundo, na pumatay na ng higit 3.4 milyon tao at nagpabagsal sa mga ekonomiya.
Mahigpit na nilalabanan ng Beijing ang teorya na nakawala ang virus mula sa isa sa mga laboratory nito.
Mula sa isang US intelligent report, iniulat ngWall Street Journal nitong Linggo na tatlong tao mula sa Wuhan Institute of Virology ang naimpeksyon Nobyembre 2019 pa pa lamang, at nakaranas ng “symptoms consistent with both Covid-19 and common seasonal illness”.
Inanunisyo ng China ang tungkol sa isang outbreak ng pneumonia cases sa Wuhan sa World Health Organization (WHO) noong Disyembre 31, 2019.
Nang matanong hinggil sa naturang ulat nitong Lunes, iginiit ni Foreign Ministry spokesman Zhao Lijian na ito ay “totally untrue.”
Pagbabahagi nito sa mga reporters, mula sa pahayag ng institute, “it had not been exposed to Covid-19 before December 30, 2019, and a ‘zero-infection’ record is kept among its staff and graduate students so far”.
Gayunman, dinala ang coronavirus sa laboratory para sa isang pag-aaral, ayon sa Chinese authorities.
Kumalat ang teorya na nagmula ang nakamamatay na virus sa Chinese lab, sa panahon ng administrasyon ni former US president Donald Trump.
Pero nitong Marso, matapos ang isang buwang pagsisiyasat sa Wuhan, isang pag-aaral ng mga eksperto mula sa WHO at China ang nagsabi na ito ay “extremely unlikely”.
Pinaboran ng mga eksperto ang naunang teorya na nagmula ito sa natural transmission ng virus mula sa hayop—maaaring paniki—patungo sa tao, sa pamamagitan ng isa pang hayop na hindi pa natutukoy.
Gayunman, may ilang naniniwala, na hindi malayang nakapagsagawa ng pagsisiyasat ang WHO specialists sa kanilang pagbisita sa Wuhan.