“Unbelievable.”

Ito ang reaksyon ni ABS-CBN broadcaster Karen Davila sa balitang tinangkang agawin ni Edwin Arnigo, isang 18-anyos na may special needs, ang baril ng isang pulis sa kasagsagan ng raid sa ilegal na tupada sa Valenzuela.

“Sana katotohanan ang lumabas. Bilang ina ng batang nasa Autism Spectrum, napakahirap paniwalaan na mang-aagaw sila ng baril. Those in the autism spectrum are not able to ‘advocate or fight for themselves’ – what more fight a police officer?” tweet ni Karen.

Mababatid na may special needs din ang panganay na anak ni Karen.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Nabaril si Arnigo sa gitna ng pagkakagulo. Naisugod pa ito sa Valenzuela Medical Center kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Sa ulat ng GMA News, hindi umano kumbinsido ang pamilya ni Arnigo sa mga alegasyon ng pulis. Iginiit nila na hindi makikipag-agawan ng baril ang binata dahil takot ito sa mga pulis.

“Hindi po ‘yon totoo na nanlaban kasi ‘yong anak ko po sobrang payat eh. Tapos ‘yong pulis na bumaril sa kaniya, malaking tao po. Paano po makalaban ‘yong anak ko?” pahayag ni Helen Arnigo.