TARLAC CITY - Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang natimbog ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Laoang ng nasabing lungsod, nitong Martes ng tanghali.
Nakakulong na ang dalawang suspek na kinilala ni Maj. Rocky de Guzman, hepe ng Provincial Drugs Enforcement Unit na sina Joel Jacusalem, 31, binata, at Jeffrey Banag, 26, kapwa taga-nasabing lugar.
Inaresto ng pulisya ang dalawa nang bentahan nila ng pinaghihinalaang shabu ang isang police poseur-buyer sa nabanggit na lugar.
Nasamsam sa dalawa ang hindi pa mabatid na halaga ng umano'y iligal na droga at marked money.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa.
Leandro Alborote