SAN CARLOS CITY, Pangasinan— Nasa 20 katao ang dinakip ng pulisya dahil sa paglalaro ng volleyball at ilegal na sabong sa bayan ng Urbiztondo.

Huli sa akto ang 15 na naglalaro ng volleyball sa Sitio Darlong, Bgy. Gueteb habang ang lima pa ay inaresto dahil sa ilegal na tupada sa Bgy. Pasibe East.

Ayon kay PMaj. Napoleon M. Ellecion, Jr., Officer in Charge ng PNP-Urbiztondo, nakakatanggap sila ng ulat sa ilang palaro ng volleyball na may pustahan.

Kaagad nagsagawa ng operasyon ang PNP-Urbiztondo na nagresulta sa pagkakahuli ng 15 manlalaro at mga nanonood pawang mga residente ng Bgy. Calobaoan, San Carlos City at Bgy. Gueteb dahil sa lantarang paglabag sa IATF Guidelines.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Hindi pagsuot ng facemask at walang social distancing” pahayag nito.

Samantala, nagsagawa ang mga operatiba ng anti- illegal gambling operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang personalidad pawang mga residente Bgy Poblacion at Pasibe East, at Bgy. Bayoyong/Navatat, Basista.

Ang mga dinakip ay nasa kustodiya ng PNP-Urbiztondo at mahaharap sa kasong paglabag sa IATF Guidelines atpaglabag ng PD 449 o Cockfighting Law.