Timbog ang 10 tulak ng ilegal na droga, makaraang masamsaman ng P15 milyon halaga ng shabu at ecstacy tablets sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga tulak na sina Franselle Nono, 35, ng Bgy. Tandang Sora, Quezon City; April Batac, 36, ng Carmona, Makati City; Stephanie Centino, 44, ng Bgy. Olympia, Makati City; Mannie Bacalangco, 47, ng Bgy. Rizal, Makati City; Alexander Almeda, 19, ng Banawe Avenue, Qeuzon City; Arvin Jay Correa, 28; Mark Ramirez, 33; Justine Venancio, 20; Carina Trinidad, 37; at Eugene Paul Bernardo, 30, pawang mga residente ng Sampaloc, Manila.

Sa report, dakong 12:15 ng tanghali nitong Lunes nang magkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng QCPD,PDEA-National Capital Region (NCR), Talipapa Police Station 3 at iba pang law enforcement agency sa Block 1, Lot 23, Villa Rebecca Homes, Bgy. Tandang Sora matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek.

Sa naturang raid ay nasorpresa noon din ang mga tulak at nakumpiska sa kanila ang may 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon; 5 pirasong ecstacy tablets at mga drug paraphernalia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapiit ngayon ang mga drug suspek sa QCPD makaraang sampahan sakorte ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Jun Fabon