Kaabang-abang ngayong buwan ang full moon dahil extra special ito.

Sa Mayo 26, masasaksihan ng Super Flower Blood Moon.

Ang lunar eclipse ay tinatawag na “Blood Moon” dahil sa reddish hue. Nangyayari ang phenomena kung lumilinya ang Earth sa pagitan ng buwan at araw.

Sa pagdaan ng mundo sa pagitan ng buwan at araw, napupunta ang sinag ng araw sa atmosphere ng Earth, at kumakalat ang blue light. Habang nangyayari ito, nababali ang liwanag sa pagtutok nito sa buwan, na nagre-reflect pabalik sa atin bilang isang blood red moon.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

Tinatawag na "Super Flower Blood Moon" ang full moon ngayong buwan dahil sa pagsasabay ng total lunar eclipse at isang supermoon. Ang "Supermoon" ay terminong ginagamit upang ilarawan ang anumang full moon na nagkakataong sumasabay sa panahong pinakamalapit ang buwan sa Earth, o perigee, dahilan upang maging mas maliwanag at mas malaki ito kumpara sa regular na full moon.

At hindi lang supermoon ang dapat abangan ngayong Mayo 26, sasabay rin ito sa isang total lunar eclipse. Kung saan tumatawid ang buwan direkta sa pinakamalalim at pinakamadilim na bahagi ng Earth's shadow o ang tinatawag na umbra, na direktang hinaharang ang sinag ng araw para maliwanagan ang surface nito.

Dahil dito, umiitim at nagiging reddish ang kulay ng buwan, kaya naman kalimitang tinatawag ang total lunar eclipse na "blood moon."

Maaari ring dilaw, orange o brown ang kulay na makita sa buwan sa total lunar eclipse, depende sa composition ng atmosphere.

Masuwerte naman ang mga nasa western United States, Australia, western South America at Southeast Asia dahil masasaksihan nila ang “total” phase ng eclipse na tatagal nang 14 na minute, kung saan magiging pula ang kulay ng buwan.

Bakit nga pa flower moon?

Ayon sa The Old Farmer's Almanac, kalimitang tinatawag ang full moon sa buwan ng Mayo na “Flower Moon,” dahil sa panahong ito ng taon namumukadkad ang mga bulaklak.