CAGAYAN - Patay ang isang doktor na miyembro ng Doctors to the Barrios program ng gobyerno nang bumangga ang sinaksayang sports utility vehicle (SUV) sa isang truck sa National Highway ng Barangay Salamague, Iguig, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Dr. Noli Cabildo, binata, 29, taga-Agani Alcala, Cagayan at nakatalaga sa Rural Health Unit ng Reina Mercedezsa Isabela.

Under custody naman ngayon ng pulisya ang driver ng truck na siFernando Urian, 61, at taga- resident of Bgy. Iringan, Allacapan, Cagayan.

Naiulat na pumarada muna si Urian sa gilid ng kalsada upang bumili sa isang tindahan nang biglang sumalpok sa likod ng kanyang truck ang SUV ni Cabildo na may plakang F3 Y717, dakong 4:00 ng hapon.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Kaagad na isinugodsi Cabildo sa Cagayan Valley Medical Center kung saan ito binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo at pang bahagi ng katawan.

Nahaharap na si Urian sa kasongReckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.

Liezle Basa Iñigo