Matapos ang halos isang buwang training camp sa Inspire Sports Academy sa Lagùna, umalis na ng bansa noong Linggo bago maghatinggabi ang SMART Gilas Pilipinas 3×3 squad patungong Graz, Austria para sumabak sa 2021 FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament na gaganapin doon sa Mayo 26-30.
Pinangungunahan ni head coach Ronnie Magsanoc ang nasabing 6-man Philippine delegation na kinabibilangan din ninatop Filipino 3×3 player Joshua Munzon, No. 2 Alvin Pasaol, No. 8 Santi Santillan at 31st Southeast Asian Games gold medalists CJ Perez at Moala Tautuaa.
Hindi nila nakasama ang No. 6 rank na si Karl Dehesa dahil kinakailangan pa nitong kumpletuhin ang itinakdang 14-day quarantine kaugnay ng pinaiiral na “health and safety protocols.”
Bago umalis, nagkaroon pa ng pagkakataon sina Munzon, Perez, Tautuaa, Pasaol atSantillan ay pumasok muli sila sa Calambubble kung saan sila nakipagsabayan sa mga practice player na sina Malick Diouf, Jason Brickman, Tonino Gonzaga at Greg Flo
Ang Gilas 3×3 squad ay kabilang sa Group C kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.
Batay sa schedule, makakatunggali nila ang Slovenia at Qatar sa Mayo 26 at susunod ang France at Dominican Republic sa Mayo 28.
Ang top two team sa apat na group stages ay uusad sa knockout stage sa Mayo 30.
Ang tatapos na top three team naman ang magkakamit ng Olympic slots.
Marivic Awitan