TARLAC PROVINCE -  Inaresto ng mga awtoridad ang isang binata nang bentahan ng marijuana ang isang pulis sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Police Master Sergeant Benedick Soluta, may hawak ng kaso ng Tarlac Police Station, hindi na nakapalag ng suspek na si Marcony Fuertes, 18,  nang dakpin ng mga tauhan ni  Lt. Phildiane Fronee Clemeña, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, sa isang buy-bust operation sa Sitio Buno, Barangay Matatalaib.

Nasamsam kay Fuertes ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs at marked money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Leandro Alborote