Lalo pang umiingay ang tsika na papasukin ni Coco Martin ang politika.

Bagamat hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor hinggil dito, marami ang naniniwala na naghihintay lang ito ng tamang panahon, at kalaunan ay mag-aanunsiyo rin.

Ayon sa reports, si Senator Lito Lapid ang nagtutulak sa aktor na subukan ang politika.

Baka ito rin ang dahilan kung bakit ibinahagi kamakailan ni Angel Aquino na nasa “ultimate last lock-in” taping na ang patok na show ni Coco, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Marahil nais nilang masiguro na may sapat na panahon ang aktor upang makapaghanda sa kanyang candidacy.

Nagtakda na ang Commission on Elections (Comelec) ng isang linggong filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa lahat ng elective positions sa Mayo 9, 2022 National at Local Elections mula Oktubre 1 hanggang 8 ngayong taon.