Nagulantang ang mga kamag-anak ng isang 78-anyos na babae sa Baramati taluka, sa India, na inakalang namatay na sa COVID-19, nang bigla itong nagkamalay ilang minuto bago i-cremate ang katawan nito.

Ayon sa mga ulat, nagpositibo sa coronavirus 2019 si Shakuntala Gaikwad, ilang araw matapos itong sumailalim sa home isolation.

Nakitaan na umano ng malubhang sintomas ang pasyente dahil sa edad nito. At nitog Mayo10, habang naghahanap ng kanyang pamilya ng espasyo sa ospital, nawalan na umano ito ng malay sa loob ng ambulansya.

Kinumpirma umano ng staff ng ambulasya ang pagkamatay ng babae at ibinalita na ng pamilya sa kanilang mga kamag-anak ang pagkamatay ni Gaikwad. Ibinalik na rin ang “katawan” ng pasyente sa kanilang lugar, kung saan nagsisimula nang maghanda ang pamilya para sa cremation at huling ritwal.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Gayunman, bago siya ilagay sa apoy, nagmulat umano ang mata ng pasyente at umiyak. Agad naman itong dinala sa Silver Jubilee Hospital sa Baramati kung saan ito tumanggap ng lunas.

Kinumpirma ang insidente ng village health officer, Somnath Lande.