ROME, Italy –Patay ang 13 katao habang lubhang nasugatan ang dalawang bata nitong Linggo nang bumangga ang isang cable car sa gilid ng isang bundok sa northern Italy.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng namatay mula sa aksidente sa Stresa, isang resort town sa baybayin ng Lake Maggiore sa Piedmont region, ayon sa tweet ng Alpine rescue service.

Ayon sa tagapagsalita, dalawang bata na nasa edad siyam at lima ang malubha at isinugod na sa pediatric hospital sa Turin sakay ng isang helicopter.

Nagpahayag naman si Prime Minister Mario Draghi ng “profound grief” at nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang 20-minutong cable car ride, na sikat sa mga turista, ay nagkokonekta sa Stresa sa 1,500-metre (4,900-foot) summit ng Mottarone mountain, kung saan makikita ang magandang tanawin ng Alps.

Nangyari ang aksidente dakong 12:30 pm (1030 GMT), may layong 100 metro ang cabin, na may 111 pasahero, mula sa summit.

Ayon sa ministry, lumalabas na napatid ang kable ng cabin malapit sa tuktok ng ruta.

Nangyari naman ang insidente “a day of re-opening rich in hope” habang unti-unting bumabangon ang Italy mula sa ilang buwan na COVID-related restrictions.

Agence-France-Presse