KUMPIYANSA ang Alza Alayon Zamboanga del Sur na matatag at palaban na koponan ang nabuo nila para isabak sa Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na nakatakda sa Mayo 30.
Pangungunahan ng beterano at tila palos sa bilis na sina Eloi Poligrates at Dan Sara angZamboanga del Sur sa kauna-unahang professional basketball league sa South.
"We expect Eloi and Dan to lead our team in the VisMin Super Cup," pahayag ni Alayon Zamboanga del Sur head coach Rodolfo Abad, Jr. sa isinagawang media conference nitong Huwebes sa lalawigan.
Ang 33 anyos, 6-foot na si Poligrates ay tanyag bilang scorer sa mga koponang nilaruan niya sa iba't ibang liga sa bansa. Huling naglaro ang tubong Cebu sa Rizal squad sa 2021 Chooks-to-Go MPBL Mumbaki Cup.
Pinagbidahan naman ng 5-foot-7 na si Sara ang Batangas-Tanduay saMPBL Lakan Cup.
Makakatuwang nila ang mga beterano ring sina dating San Juan big man Jeff Tajonera at ex-Nueva Ecija gunner Adrian Celada.Kabilang din sa koponan sinaEric Bangcoyan, Russel Moneva, Shawn Labisores, Orly Biwang, Charles Pepito, Mario Junio, Garexx Puerto, Levert Lintayan, Daryl Cruz, Vanrolph Amoquis, Kenith Dela Cruz, Ruben Caritan, Archie Cabrilla, Hans Sison, JR Raflores, John Calvin Jabello, Klent Singedas, atConstacio Lumingkit.
Pangangasiwaan ang koponan ni Jimelito Babor bilang team consultant, habang sina Manuel Babor, James Babor, Jason Marcaban, at Aldrin Manuel ang bumubuo sa coaching staff.
Edwin Rollon